Hindi ko alam kung anong isusumbat
sa tanong na iyong iniwan
pinag-isipang mabuti ang sagot
nang 'di kita masaktan
Niyaya sa bagong pag-ibig
sa sagot ko'y nananabik
handa na kaya ako
sa pag-ibig na inaalok mo?
Masakit mang sabihin
Ngunit ito ang sabi ng damdamin
Hindi kita kayang lokohin
Hindi pa kita kayang mahalin.
Ayaw naman talaga kitang masaktan
O ang puso'y sugatan
Nais ko lang iyong malaman
Sabihin sa 'yo ang katotohanan
Hindi mo siguro alam
Takot lang akong masaktan
Sa damdaming 'di tiyak
Sa ating dalawa ayokong may umiyak
Hayaan mo't darating din
Ang tamang panahon at taong mamahalin
Ayoko munang magsalita sa ngayon
Baka damdamin ko'y magbago 'di maglaon
Umaasa sa iyong pangako
Maghihintay sa inaasahang sagot ko
Sana'y di pa huli ang lahat
Kung kelan handa na't tiyak.
- Zeena Bautista
No comments:
Post a Comment