Ilang buwan na rin pala ang nagdaan nung nagka-camp pa lang kami. Hay...[sigh]. Nakakamiss. 2007 nung maki-join kami sa isang Youth camp sa Burgos, Ilocos Sur [tama ba ung location ko?]... Basta! Super Ganda ng experience namin doon. At super cool din ung mga tao. Wala naman silang kapangyarihang palamigin ang isang kaaway. Nasabi ko lang cool dahil wala na akong masabi pero feel ko kelangan meron akong masabi.
Stop reading.
Sabing stop reading eh!
Ang kulit! Tignan mo muna yung picture on the left.
O,tapos na? Tignan mo ng mabuti. Masdan mo ng mabuti. Observe....
Di ba ang cute ko? tsaka medyo pumayat na ako dyan... walang kokontra. Blog 'ko to...
Gusto ko lang i-clarify na wala po kaming "very intimate na relationship" ng taong katabi ko. Naki-join lang yan, 'lam mo na. Umeepal. Eksena. JOh-OwK!Baka sabihin niya tinatakwil ko siya... Nakakabata yan sa akin. Nakasama ko siya sa naturang camp na nabanggit ko. Siya si J.C.[initials lamang po ang inilagay ko dahil isa po akong nursing student at kelangan kong respetuhin ang confidentiality ng pasyente, este ng taong ito].Ang tahimik niya pero pelo. Hindi masyadong nagsasalita pero maiinis ka na lang. Ewan ko rin kung pano nagkaganon. Alamin mo na lang. Nagkita kami ulit nung naki-simba siya sa amin at ju-moyn sa Youth Group sa church. Nagkamustahan. Ako lang ata ang nangamusta eh. Kasi nga tahimik siya.
Naaalala ko kasi sa kanya yung mga nangyari doon. Masaya. Malungkot. Exciting. Fabulous. It's summer time!hehehe
Haaayyy.... Nakakamiss.